Dumepensa ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang mababang kita nito noong nakaraang taon.
Sa isang panayam, ibinato ni MRT director for operations Michael Capati ang sisi sa dating maintenance provider ng tren na Busan Universal Rail Incorporated (BURI) ang low revenue collection nila noong 2018.
Ayon kay Capati, tatlo lang mula sa 40 tren ng MRT ang isinailalim ng overhaul o repair ng BURI kaya nabawasan ang bilang ng mga tren na bumiyahe kada araw.
Inabot umano ng tatlo hanggang anim na buwan bago dumating ang bagong parte ng train kaya na-delay din ang pagusad ng MRT operations.
Batay sa pagsusuri ng COA, bumaba sa 13 ang bilang ng mga tren na bumiyahe kada araw noong nakaraang taon, mula sa 20 tren tuwing peak hours at 15 tren kapag off-peak hours ng mga naunang taon.
Bukod dito, natapyasan din daw sa 104-milyon ang MRT passengers kada araw, mula sa 140-milyon na pasahero kada araw noong 2017.
“The cases in point do not only deny the riding public of an efficient, effective and secured transportation systems but undoubtedly impacted on revenue collections, depriving the Government of additional financial resources for payment of the MRT-3 equity rentals,” ayon sa COA.










