-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Kenyan President Raila Odinga sa edad na 80.

Kinumpirma ng kampo nito na intake siya sa puso habang naglalakad nitong umaga habang nasa India.

Dinala pa siya sa Devamatha Hospital sa Kerala State, India subalit hindi na ito naagapan.

Sa loob ng tatlong dekada at limang beses itong tumakbo sa pagkapangulo ng Kenya subalit nabigo ito.

Noong 2007 election ay naging malapit ang resulta ng halalan kung saan mayroon 44 percent na boto itong nakuha habang ang kasalukuyang pangulo na si Mwai Kibaki ay mayroong 46 percent.

Dahil sa nasabing resulta ng halalan ay sumiklab ang kilos protesta.

Isinilang si Raila Amolo Odinga noong Enero 7, 1945 sa Kisumu sa Lake Victoria malapit sa border ng Uganda.