KORONADAL CITY – Binasag ng isang dating opisyal ng kontrobersiyal na World Philosophical Forum (WPF) ang kaniyang katahimikan ukol sa operasyon ng naturang grupo sa Mindanao, partikular sa Rehiyon 12.
Sa personal na pagpunta sa himpilan ng Bombo Radyo Koronadal ni Pastor Rodel Palati, dating provincial director ng WPF, ipinaliwanag nito ang dahilan bakit bumaba ito sa pwesto dahil hindi niya umano kaya ang tungkulin bunsod sa kaniyang trabaho bilang isang pastor.
Isinalaysay rin nito na pumasok siya sa grupo noong Setyembre 2019 dahil nakumbinsi ito sa maganda umanong layunin ng grupo na pagtulong sa mga mahihirap at puksain ang kahirapan.
Iginiit rin nitong hindi umano koleksyon ang P520 na sinisingil bilang kapalit sa ATM dahil pumapasok naman aniya ang mga tulong dito mula sa iba.
At kaugnay naman sa isyu na lumalabas ang mga larawan ng mga pulitiko sa kanilang mga seminar ay dahil nag-courtesy call lamang umano sila.
Dagdag ni Palati, kung mayroon mang problema sa usapin ng legalidad, mas mabuti aniyang kausapin na lamang ang chairman na si Shariff Albani.
Inihayag rin nitong pananagutan na ng nasabing grupo kung wala umano silang sinunod sa mga legalidad ng kanilang operasyon sa UNESCO.