-- Advertisements --
Nagbabala si dating heavyweight boxer Vitali Klitschko sa Russia dahil sa patuloy na presensiya ng kanilang sundalo sa border ng Ukraine.
Si Klitschko na isang alkalde sa bayan ng Kiev, ang nagsabing nakahanda sila anumang pang-aatake na gagawin ng Russia.
Dagdag pa ntio na kapag lalo lumala ang kaguluhan ay handa silang ipagtanggol ang kanilang kalayaan at integridad ng kanilang bansa.
Umaasa ito na hindi na umabot sa punto na magkaroon pa ng matinding kaguluhan sa pagitan nila ng dalawang bansa.
Magugunitang nagkaroon na ng matinding tensiyon sa nasabing bansa kung saan mahigit 100,000 mga sundalo ng Russia ang ipinadala sa border nila ng Ukraine.










