-- Advertisements --
image 3

Hinarana ni dating First Lady Amelita “Ming” Ramos ang kaniyang yumaong asawa na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa ikalawang araw ng burol nito mula nang buksan ito sa piling ng ilang mga sektor.

Gamit ang isang piano keyboard ay tinugtog ng dating first lady ang kanilang love songs na may pamagat na “You’ll Never Know,” at “SAD March” sa harap ng urn ni FVR.

Samantala, ngayong araw ay nagpatuloy pa rin ang pagdating ng ilang mga personalidad na nagnanais na magbigay-pugay sa huling pagkakataon sa yumaong pangulo.

Kabilang sa mga ito ay sina US Ambassador Marykay Carlson, Ireland Ambassador William Carlos, Jaime Zobel de Ayala kasama ang kaniyang asawa, former ambassadors ng Philippine Ambassadors Federation Incorporated (PAFI), at marami pang iba.

-- Advertisement --

Isinagawa rin ngayong araw ang rehearsal ng state funeral para sa inurnment ni dating Pangulong FVR na gaganapin naman sa Martes.

Matatandaan na una rito ay nagpahayag rin ng pasasalamat ang dating first lady sa lahat ng mga nagbigay ng paggalang kay dating pangulong FVR at sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya kasabay ng kaniyang muling pag-alaala kung gaano kasipag sa trabaho ang yumaong asawa noong siya ay nabubuhay pa.