-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating FBI director na si Robert Mueller sa edad na 81.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya kung saan hiniling nila na irespeto ang kanilang privacy.

Noong Agosto ng nakaraang taon ng ianunsiyo ng pamilya nito na na-diagnosed siya ng Parkinson’s disease mula pa noong 2021.

Itinalaga si Mueller bilang FBI director ni President George W. Bush ilang araw bago ang September 11, 2001 terror attack.

Nagsilbi ito ng FBI director sa loob ng 12-taon na naging pinakamatagal na FBI director sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Naging susi siya sa pagbunyag ng ilang mga anomalya laban kay US President Donald Tump mula sa kampanya nito sa halalan at ang pagiging malapit nito sa Gobyerno ng Russia.