LAOAG CITY – Arestado ang dating barangay kagawad sa Brgy. Aruaay sa bayan ng Piddig sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad.
Nakilala ang high value individual ng provincial level na si Remigio Ventura, 44-anyos, walang asawa, at residente sa nasabing barangay.
Sa isinagawang operasyon, nagpaggap ang isang pulis na bibili ng isang sachet na naglalaman umano ng shabu at dito na hinuli ng mga otoridad.
Nakumpiska pa sa kanya ang dalawang sachet na naglalaman din umano ng shabu, 1,000 pesos na nagsilbing buybust money, at P25 na personal na pra nito.
Ang dating barangay official ay kasama sa listagan ng Inter-Agency Drug Information Database o ang dating tinawag na PRRD list.
Samantala, dati nang nahuli ang kagawad noong 2016 ngunit pansamantalang nakalaya noong 2019, at ngayong taon ang ikalawang pagkakataon na nahuli sa nasabing operasyon.