-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Justice (DoJ) na pina-finalize na ng National Prosecution Service (NPS) ang bubuo sa evaluation team na bubuo ng Task Force Againts Corruption (TFAC).
Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, ang head ng NPS, bukod sa evaluation team ay kabilang din ang miyembro ng NPS sa strike force na mag-iimbestiga laban sa mga nasa pamahalaan na inirereklamo ng korapsiyon.
Samantala, inihayag din ni Malcontento na minimal lamang ang tinamong pinsala ng mga posecutors offices sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Rolly.
Kaugnay nitoy iniutos na rin ni Malcontento sa lahat ng mga regional prosecutors chief na gawin na ang mga naratapat para sa mga kailanganin sa pagsasaayos ng kanilang mga tanggapan.