-- Advertisements --
Nagsimula ng magsibalikan sa kanilang mga bahay ang evacuees sa lungsod ng Pasay ngayong araw ng Huwebes matapos ang pananalasa ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Ayon sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office, tanging nasa 5 evacuation sites ang nananatili sa ngayon mula sa 17 sites na inisyal na itinayo para sa mga inilikas na residenteng naapektuhan ng matinding baha dala ng mga pag-ulan.
Batay naman kay Pasay city Mayor Emi Calixto-Rubiano, nasa kabuuang 380 pamilya ang nananatili sa 5 evacuation sites.
Ipinag-utos naman na ng alkalde sa kanilang social workers na ipagpatuloy ang pagsuri sa kondisyon ng mga pamilya na nananatili sa mga evacution sites kabilang na ang pagtugon sa kanilang pangangailangan.