Magbibigay ang European Union ng mahigit P11 million na humanitarian aid para matulungan ang mga pamilya na sinalanta ng bagyong Paeng sa mga nakalipas na buwan.
Ito ay parte ng kontribusyon ng EU sa Disaster Response Emergency Fund ng International Federation ng Red Cross Crescent Societies.
Base sa pahayag mula sa EU, makakatulong ang naturang assistance sa 32,500 indibidwal sa mga lugar na pinakamatinding sinalanta ng bagyo.
Sa huling situational report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , nasa mahigit 1.473 million pamilya at 5.982 million indibidwal ang naapejktuhan ng bagyo sa bansa.
Umabot naman sa P7.214 billion ang halag ng pinsala nito sa sektor ng agrikultura habang sa livestock, poultry at fisheries ay nasa tinatayang P1.553 billion.
Nag-iwan ang bagyo ng 164 na nasawiing indibidwal, 270 sugatan at 28 naman hindipa rin nahahanap.