Nasa US na si Filipino boxer Eumir Marcial bilang paghahanda sa Paris Olympics sa buwan ng Hulyo.
Bukod sa Paris Olympics ay may laban din ito sa Marso na gaganapin sa Pilipinas.
Ang nasabing laban ay itinuturing na buildup fight nito para sa Olympics.
May mga listahan na rin siya na posibleng makaharap sa Olympics kung saan 10 sa mga magagaling na boksingero sa buong mundo ang naka-qualify na.
Ilan sa mga pangalan na may malaking posibilidad na makakaharap niya ay sina Oleksandr Khyzkniak ng Ukraine , Toqtarbek Tanatqan ng China , Arlen Lopez ng Cuba , Callum Peters ng Australia at Abdelrahman Oraby ng Egypt.
Pinsalamatan niya ang gobyerno dahil sa suportang natanggap niya para sa paglaban sa Olympics.
Hinikayat niya ang mamamayan na suportahan ang lahat ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Paris Olympics.