-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng kampo ni four-time SEA Games gold medalist boxer Eumir Marcial ang hindi paglahok nito sa nalalapit Southeast Asian Games sa Cambodia sa buwan ng Mayo.
Sinabi ni MP Promotions Sean Gibbons, na nakatutok ngayon ang Zamboangan southpaw boxer sa pagiging professional boxer.
Paglilinaw din nito na sasabak si Marcial sa 2024 Paris Olympics matapos makakuha ng bronze medal noong Tokyo Olympics.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay pinatumba ni Marcial sa ikalawang round si Argentinian veteran boxer Ricardo Vallalba sa laban nila na ginanap sa Texas.