-- Advertisements --

Sinang-ayonan ng mga pinuno ng EU ang pagbawal ng pag-export ng langis ng Russia sa 27-nation bloc.

Ito ang inihayag ni EU Council President Charles Michel .

Kasama sa sanctions package na ito ang iba pang mahigpit na hakbang na kinabibilangan ng de-Swifting sa pinakamalaking bangko ng Russia na Sberbank; pagbabawal sa 3 pang Russian state-owned broadcasters; at pagbibigay sanction sa mga indibidwal na responsable para sa mga krimen sa digmaan sa #Ukraine.

SAMANTALA, magsasagawa ang Belarus ng mga pagsasanay sa pagpapakilos ng militar sa Hunyo at Hulyo sa rehiyon ng Gomel.

Ang rehiyon ng Gomel ng Belarus ay borders ng Ukraine sa timog at sa silangan, ito ay borders ng Russia.

Sa Hunyo 22-Hulyo 1, isasagawa ang mga nakaplanong pagsasanay kasama ang mga military commissariat – military administrative agencies – at mga armed forces.

Pagdating naman sa Hunyo 28-Hulyo 16, ang military training ay gagawin sa military service para sa mga territorial defense formations.

Magugunitang noong Noong Mayo 26, ang pinuno ng Belarus na si Alexander Lukashenko ay nag-utos ng paglikha ng isang bagong military command para sa timog ng bansang nasa hangganan ng Ukraine.