LAOAG CITY – Tinangka ng isang estudyante ang magpakamatay matapos pinagmumura umano ng kanyang guro sa SOlsona, Ilocos Norte.

Base sa impormasyon na nakarating sa Bombo Radyo Laoag, habang break-time ng mga estudyante ay gumamit ng cellphone ang biktima at nang makita ng nasabing guro na si Luvenia Arcangel, Grade 8 Adviser sa San Marcelino National High School ay dito na niya umano pinagmumura.

Ayon sa ina ng estudyante, nagtaka sila nung umuwi ang kanyang anak na umiiyak at nanginginig, pagkatapos ay nakita na lamang itong uminom ng 20 tableta ng gamot.

Sa pagtungo ng news team ng Bombo Radyo sa nasabing paaralan, hindi nakipag-usap ng maayos ang principal na si Teresita Malana.

Samantala, tiniyak ni Doctor Joan Corpuz, DepEd Supt. dito sa Ilocos Norte na ipapatawag niya ang principal at guro sa kanyang opisina sa susunod na linggo.

-- Advertisement --

Iginiit ni Corpuz na responsibilidad ng principal na magreport sa kanyang opisina sa mga nangyayari sa kanilang paaralan dahil kapag
nabigo ito ay may nalabag siyang batas.