-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Iniuwi na sa kanilang tahanan ang mag-aaral na nalunod habang tumatawid sa ilog sa Purok 6, Barangay Antagan 1st, Tumauini, Isabela.
Ang bangkay ng biktimang si Arturo Curugan, 21 anyos, binata, college student na residente ng barangay District 4, Tumauini, Isabela ay natagpuan sa Pinacanauan River na nasasakupan ng Caligayan, Tumauini, Isabela.
Nauna nang naiulat na ang biktima kasama ang isang kaibigan ay tumatawid sa ilog nang biglang tangayin ng malakas na agos ng tubig.
Nagsagawa naman ng Joint retrieval operation ang Tumauini Police Station at MDRRMO Rescue 811, Special Operation Unit rescue team na mula sa Tuguegarao City sa nalunod na biktima.