BUTUAN CITY – Tuluyan nang namatay ang estudyante ng Mindanao State University (MSU) na si Ivan Almeda, residente sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur na mahigit isang linggo ng na-confine sa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City matapos barilin ng di pa kilalang responsable sa community center ng main campus.

Hindi na nakayanan pa ng freshman student ang tumamang bala sa kanyang ulo kung kaya’t nalagutan na ito ng hininga.

Napag-alamang ang kanyang nga kababayan sa Agusan del Sur ay nagsagawa pa ng badminton tournament na binansagang “Smash for a cause” upang ang proceeds nito ay mai-ambag sa mga gastusin sa kanyang pagpapagamot simula kagabi na matatapos pa ngayong gabi.

Nagdadalamhati ngayon ang mga estudyante at mga guro ng MSU sa kinahihinatnan ni Almeda.