-- Advertisements --

Sinabi ng isang senior White House official na maaaring ipadala muli sa Indo-Pacific region ang libo-libong myembro ng US troops na kasalukuyang nasa Germany.

Sa isang artikulo kung saan tumulong magsulat si National Security Advisor Robert O’Brien, sinabi nito na pinag-iisipan umano ni US President Donald Trump na bawasan ang US military forces sa Germany.

Noong Hunyo 15 ay sinabi ni Trump na posibleng ipag-utos nito ang pagbabawas ng tropa-militar ng Amerika sa Germany dahil sa hindi maayos na pagbabayad ng nasabing bansa sa kontribusyon nito sa NATO.

“The Cold War practice of garrisoning large numbers of troops with their families on massive bases in places like Germany is now, in part, obsolete,” sulat ni O’Brien.

Ayon pa rito maaaring ipadala ang mga ito sa European nations maging sa mga bases na nasa Guam, Hawaii, Alaska at Japan habang ang natitira naman ay makaka-uwi na ng US.