-- Advertisements --
atty vic rodriguez es

Umapela si Executive Secretary Lucas Bersamin sa publiko na irespeto ang pagka-pribado ngayon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Inihayag nitong makabubuting igalang ang estado ngayon ni Rodriguez matapos ang una nang naging pagbibitiw nito sa puwesto.

Ayon pa kay Bersamin na kung anuman ang inilahad na dahilan ng pagbibitiw noon ni Rodriguez ay iyon na lang marahil ang maiging tanggapin.

Dagdag pa nito na ngayong hindi na miyembro ng Gabinete si Rodriguez, makabubuting ibigay na lang ang pribadong pagtrato sa kanyang predecessor at igalang ang pagiging pribado nito sa kasalukuyan.

Kung maalala, nanilbihan lamang si Rodriguez bilang executive secretary sa loob ng 79 days kasunod ng ginawa nitong pag-aanunsiyo ng kanyang pagbibitiw noong isang buwan.