-- Advertisements --

Kumbinsido si Senator-elect Francis Escudero na kwalipikado si incoming Senator Robin Padilla na maging chair ng Senate committee on constitutional amendments.

Paliwanag ni Sen. Escudero na isa ding abogado maaring maging committee chair ang sinumang Senador at walang special qualification para pamunuan ang isang komite. Kung kayat kwalipikado aniya si Sen. Padilla gaya ng ibang Senador na nahalal para magsilbi sa isang posisyon tulad ng pagiging chair sa anumang komite na inihalal ng majority ng mga Senador.

Iginiit din ni Senator Escudero na walang sinumang Senador ang dapat na madiscriminate at husgahan lamang ito base sa kaniyang ipinakitang performance matapos magsilbi sa isang naturang posisyon.

Nauna ng pinayuhan ni outgoing Senate Minority Leader Franklin Drilon ang actor at Senator-elect Padilla na kailangan nito ng masusing pag-aaral sa responsibilidad na pamunuan ang Senate Committee on constitutional amendments.

Hindi lamang kasi legal knowledge ang kailngan sa paghawak ng naturang comiittee, kailangan din na mayroong exposure sa Konstitusyon at sa revisions ng codes at law gaya ng Civil Code, Revised Penal Code, Corporation Code at lahat ng codified laws