-- Advertisements --
image 223

Inihalal bilang isa sa 18 House Deputy Majority Leaders si ACT CIS party-list representative at dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.

Ang mosyon para sa paghalal kay Rep. Tulfo para sa House leadership post ay ginawa ni House Senior Depty Majority Leader Sandro Marcos ng Ilocos Norte nitong Miyerkules ng gabi nang walang pagtutol mula sa plenary floor.

Ayon naman kay Rep. Tulfo na inihalal siya sa bagong posisyon para sa information dissemination dahil nagmula aniya siya sa industriya ng pamamahayag na mayroong ilang dekada ng karanasan bilang journalist at gagamitin niya ito para sa pagpapakalat ng impormasyon sa publiko at sa mga katayuan ng Kongreso sa mga isyu.

Sinabi din ng mambabatas na nakipagkita siya kay House Speaker Romualdez matapos na maihalal bilang Deputy Majority Leader at natalakay aniya ang pagtugis sa mga hoarder ng mga produktong pang-agrikultura.