-- Advertisements --

Itinuturing na hari pa rin ng hurdles sa Southeast Asian Games si Filipino hurdler Eric Cray.

Sa loob kasi ng anim na SEA Games ay hindi pumalya ang 34-anyos na si Cray na makuha ang gintong medalya sa 400 meters hurdles.
Hawak din nito ang record na mayroong 50.03 seconds.

Aminado ito na nagkaroon siya ng maraming hamon sa mga nagdaang taon kaya masaya ito at nagtagumpay pa rin.

Siya ang nagdala ng ikatlong gold medal ng track and field ng bansa sa ika-anim na araw ng Cambodia SEA Games na una ay nakuha ni pole vaulter EJ Obiena at Janry Ubas sa Long Jump.