-- Advertisements --

Sarado sa loob ng apat na araw ang Energy Regulatory Commission dahil sa isasagawang disinfection at preventive quarantine laban COVID-19.

Dahil dito, pansamantalang tatanggap ang ERC ng mga transaksyon sa pamamagitan lamang ng e-services sa kanilang website na www.erc.gov.ph.

Maari rin anilang bisitahin ang kanilang Facebook page para sa karagdagang impormasyon.

Mababatid na sa ngayon ay umakyat na sa 82,040 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, 1,945 ang binaiwan ng buhayat 26,446 naman ang recoveries.