Bukas ang Energy Regulatory Commission (ERC) na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa ibinabatong isyu na umano’y sabwatan sa pagitan nila ng Meralco.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, nakahanda ang naturang komisyon na humarap sa anumang isasagawang imbestigasyon para ipaliwanag ang kanilang panig ukol sa naturang isyu.
Maalalang sa naging priviledge speech ni Laguna Representative Dan Fernandez, nabanggit nito ang umano’y posibleng sabwatan sa pagitan ng ERC at ng Meralco dahil sa kabiguang maibalik ng power diustributor sa mga konsyumer ang sobra nitong nasingil.
Dagdag pa ng Kongresista, bukod sa hindi pagre-refund ay masyadong mataas ang weighted average cost of capital (WACC) ng MERALCO na ipinapasa sa kanilang mga customers.
Ayon naman sa Meralco, hindi nila kontrolado ang paniningil ng WACC dahil sa ito ay parte ng regulatory function.
Una nang humirit si Cong. Fernandez na maimbestigahan ang ERC at Meralcso dahil sa aniya’y hindi itinataguyof ang karapatan at kapakanan ng mga consumer sa bansa.