-- Advertisements --
Isasagawa sa Oktubre ang pagpapalabas sa buong mundo ng “The Eras Tour” concert film ni Taylor Swift.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang pagpapalabas ng nasabing pelikula sa darating na Oktubre 13.
Ang nasabing pelikula ay gawa ng director na si Sam Wrench.
Pansamantala kasing itinigil ng singer ang nasabing concert at muli niyang isasagawa ito sa susunod na taon.