Aabot na lang sa 12 ang COVID-19 patients na kasalukuyang admitted sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay East Avenue Medical Center Chief Medical Officer Dr. Alfonso Nunez, sa nakalipas na pito hanggang 10 araw ay nasa tatlong katao lamang na positibo sa COVID-19 ang naisugod sa kanilang ospital.
Kaya naman masasabi raw nila na bumababa na rin ang anxiety level ng kanilang mga healthcare workers dahil sa mababang bilang sa ngayon ng COVID-19 patients na mayroon sila.
Sa ngayon, nagbukas na sila ng isa pang ward para sa mga non-COVID-19 patients.
Karamihan sa mga pasyente na mayroon sila sa kasalukuyan ay pawang mga buntis, mayroong cancer at mga nagpapa-dialysis.
Gayunman, nanantili namang puno pa sa ngayon ang kanilang emergency room na kayang makapag-accomodate ng nasa 60 hanggang 70 pasyente.
Pero sa kabila nito ay aabot pa aniya sa 90 hanggang 100 pasyente ang mayroon sila sa kanilang emergency room sa kasalukuyan.
Nabatid na ang admission rate nila sa ngayon nila ay nasa 93 percent bed capacity para sa mga non-COVID-19 patients.