-- Advertisements --

NAGA CITY- Nitala ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalan at rebeldeng grupo sa Polillo, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nagsasagawa ng joint operation ang squad ng 1st Infantry Battallion at 22nd MICO ng Philippine Army, nang magka-engkwentro ng mga ito ang ilang miymebro ng Counter Terrorist Group sa Sitio Saging, Barangay Binibitinan sa nasabing bayan.

Nabatid na tumagal ng 10-minuto ang naging palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang mga baril, bala, pampasabog at ilang personal na kagamitan.