-- Advertisements --

Inilahad ng isang opisyal ng Department of Energy ang long term policy directions para matugunan ang sunud-sunod na linggong pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay DOE Usec Gerardo Erguiza naipatupad na ng ahensiya ang energy management program ng pamahalaan kung saan kailangan ng mga government offices na makapagtipid ng nasa 10 porsyento ng kuryente o katumbas ito ng hanggang 24 megawatts o hanggang P840 million kada taon.

Aniya sa existing platform na ito, nakikitang bababa ang demand kapag nagtipid sa pagkonsumo ng kuryente upang hindi na aniya kaialngang maghabol sa suplay at mayroon na rin ngayong Energy Conservation and Efficiency Act of 2019.

Hinikayat ni Erguiza ang publiko maging ang mga opisina at gobyerno na makapagtipid ng kuryente at langis sa gitna ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.