EK

Nagpasya ang pinakamalaking theme park sa bansa na Enchanted Kingdom na magsara ng ilang linggo dahil na rin sa banta ng coronavirus o COVID-19.

Ayon sa nangangasiwa ng theme park, suspendido ang kanilang operasyon mula Marso 14 hanggang Abril 22.

Maari pang mapalawig ang pansamantalang pagtigil ng operasyon depende sa magiging lagay ng COVID-19 sa bansa.

Paglilinaw din ng theme park na pinapahalagahan nila ang kalagayan ng kanilang kliyente.