-- Advertisements --

Inaalam na ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang sinasabing “no vaccination, no work” policy na ipinatutupad ng ilang kompaniya sa ating bansa.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., bagama’t wala siyang alam na ganitong umiiral na polisiya, nais pa rin nilang alamin ang bagay na ito.

Giit ng ECOP chief, hindi makatuwiran kung sakaling may mga employer na nagpapatupad ng nasabing kautusan.

Para kay Ortiz-Luis, kahit mainam na magpabakuna ang bawat isa, hindi naman maaaring gawin itong sapilitan.

Ang mga kompaniyang walang kakayahang magbigay ng bakuna sa mga empleyado ay maaaring hintayin na lamang ang ipagkakaloob na COVID vaccine ng mga lokal na pamahalaan.