-- Advertisements --

LAOAG CITY – Matagumpay na naaresto mga kasapi ng PDEU-Ilocos Norte at PNP-Burgos ang isang empleado ng lokal na gobierno ng nasabing bayan sa ikinisang buy drug buy bust operation.

Nakilala ang suspek na si Reynold Ramos y Fayloga, 54-anyos, walang asawa at job order bilang utility ng LGU Burgos.

Nakumpiska sa posisyon ni Ramos ang isang sachet ng hinihinalang shabu na naibenta sa isang poseur buyer at isang libong piso na ginamit sa transaksyon.

Samantala, sa pagpapatuloy ng operasyon, nakumpiska ng mga otoridad mula sa suspek ang dagdag na pitong sachet ng hinihinalang shabu kabilang ang iba-t-ibang drug paraphernalia.

Lumalabas na ang suspek ay high value individual sa drug watchlist ng provincial PNP at matagal ng minamanmanan ng mga otoridad.

Nalaman na una na rin itong sumuko sa mga otoridad noong 2016 dahil sa iligal na droga.

Nanatili ang suspek sa kustodiya ng PDEU at haharap sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.