Pormal nang ginawaran ng kani-kanilang stars sa Hollywood Walk of Fame sina Emily Blunt at Stanley Tucci na ginanap sa Hollywood Boulevard, ilang araw bago ipalabas ang kanilang pelikulang “The Devil Wears Prada 2.”
Ang dalawa, na mag-co-stars at magkamag-anak sa tunay na buhay, na sabay na pinarangalan at tumanggap ng magkatabing stars.
Sinabi ni Emily na labis siyang nagpapasalamat at “so honored” na makasama si Stanley, at pabirong binanggit na madalas na silang magkasama sa trabaho at personal na buhay.
Samantala, nagbigay-pugay si Stanley kay Emily, sinabing agad niya itong minahal at hinangaan mula pa noong una silang magkatrabaho sa orihinal na ”The Devil Wears Prada” mahigit dalawang dekada na ang nakalipas.
Dumalo rin sa pagtitipon ang kapwa nila co-star na si Meryl Streep, na nagbigay ng masayang message kung saan pinuri niya ang dalawa at tinawag si Emily na parang anak at si Tucci naman ay isang “national treasure.”
Ayon kay Streep, parehong may mahaba pang karera ang dalawa at patuloy pa silang mamahalin ng industriya ng pelikula.
Dumalo rin sa event ang iba pang Hollywood stars tulad nina Matt Damon, Robert Downey Jr., at Dwayne Johnson, gayundin ang kanilang mga pamilya.











