-- Advertisements --

Tiniyak ng Pfizer na mas bibilis pa ang kanilang proseso ngayong nabigyan na sila ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay Pfizer country representative Andreas Riedel, nagsimula na silang makipagpulong sa mga mga opisyal ng national government para makompleto ang kinakailangang proseso at dokumento.

Matatandaang nagsumite ng request for EUA ang Pfizer noong Disyembre, ngunit ngayong linggo lang naaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Inaasahang masisimulan ang pagbabakuna sa Pilipinas ngayong unang bahagi ng taong 2021.