(c) Joel Embiid

Kumamada ng 39 points, 13 rebounds at anim na assists si Joel Embiid upang akayin ang Philadelphia 76ers tungo sa 123-110 panalo kontra Brooklyn Nets.

Agad na nagpakitang gilas si Embiid sa umpisa pa lamang ng laro kung saan sa kanya nanggaling ang 14 sa unang 19 points ng Philadelphia, kabilang na ang tatlong 3-pointers.

Hindi rin nagpahuli sina JJ Redick na may 18 points, at si Ben Simmons na umiskor ng 16 points at walong assists para sa 76ers, na tinapos na rin ang kanilanig two-game losing streak.

Sumandal naman ang Brooklyn kay Joe Harris na humugot ng 22 points, na dinagdagan naman ng 19 ni Rondae Hollis-Jefferson.

Dahil dito, tinapos ng Nets ang kanilang seven-game road trip na mayroong