-- Advertisements --
Jumalon

Kinondena ng Estados Unidos ang pagpatay sa radio broadcaster nai Juan Jumalon alias DJ Johnny Walker.

Sa isang statement, nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang embahada mga mahal sa buhay ni Juan Jumalon sa panahong ng kanilang pagluluksa. Ang pamamahayag aniya ay mahalaga para sa isang malayang lipunan at ang mga pag-atake sa mga mamamahayag ay naglalagay sa panganib sa kalayaan sa pamamahayag.

Malugod din tinanggap ng embahada ang pagsisikap na ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, at local law enforcement para maresolba ang krimen.

Matatandaan na pinatay si Jumalon ng hindi pa nakikilalang gunman habang naka-live radio broadcast sa kaniyang bahay sa Calamba, Misamis Oriental noong araw ng Linggo.

Isinugod pa sa pagamutan si Jumalon subalit idineklara itong dead on arrival.