-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng embahada ng Pilipinas sa Cairo sa mga Pilipino na nasa Sudan na lumikas na para sa kanilang kaligtasan.
Ito ay dahil sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng magkalabang puwersa sa Sudan.
May mga programa sila para tulungan ang mga Pilipino na nais na lumikas sa Sudan.
Sa mga nais na lumikas ay kailangan lamang ng makakuha ng clearance at temporary entry sa Egyptian Government base na rin sa abiso ng Ministry of Foreign Affairs ng nasabing bansa.
Magugunitang ilang milyong residente ng Sudan ang lumikas mula ng sumiklab ang kaguluhan noon pang buwan ng Abril.