-- Advertisements --

Pumanaw na ang actress na si Shonka Dukureh sa edad 44.

Nadiskubre ng isa sa anak nito na wala ng buhay ang ina sa nirerentahan nilang apartment sa Nashville, Tennessy.

Base naman sa imbestigasyon ng mga kapulisan ng Nashville na walang anumang senyales ng foul play sa bangkay ng biktima.

Nakilala si actress sa pagganap nito sa pelikulang “Elvis” kung saan ginampanan niya ang papel na si Willie Mae “Big Mama” Thornton ang iconic R&B singer-songwriter na siyang unang nagrecord ng kantang pinasikat ni Elvis Presley na “Hound Dog” noong 1952.