-- Advertisements --

Muling nanguna sa puwesto bilang pinakamayamang tao sa buong mundo si Elon Musk.

Ayon sa Bloomberg’s Billionaires Index na mayroong kabuuang yaman ito na $192 bilyon mula sa dating $55.3 bilyon noong Enero.

Naging pangunahing dahilan ng paglago ng yaman ay ang pagtaas ng benta niya ng electric car company na Tesla.

Dahil dito ay nahigitan niya ang Luxury giant na LMVH na si Bernard Arnault.

Noong Disyembre kasi ay nanguna si Arnault na ngayon ay mayroon ng $187 bilyon.

Nasa pangatlong puwesto naman si Jeff Bezos habang pang-apat na puwesto si Microsoft founder Bill Gates.

Ang 74-anyos na si Arnault ay may-ari ng mga luxury brands gaya ng Louis Vuitton at Christian Dior.