-- Advertisements --
elon musk 3

Isiniwalat ni Elon Musk na bababa na siya bilang punong ehekutibo ng Twitter pagkatapos makahanap ng karapat-dapat na kapalit.

Ayon kay Musk, magbibitiw na ito bilang Chief executive officer sa sandaling makahanap umano ito ng isang tao na nais kunin ang trabaho at pagkatapos ay tatakbo lamang siya bilang tauhan sa software at mga server ng nasabing application.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binanggit ni Musk ang pagiging hepe ng social media platform, pagkatapos bumoto ang mga user ng Twitter sa isang poll para sa kanya na bumaba sa pwesto.

Ang mga panawagan ng Wall Street para kay Musk na bumaba sa puwesto ay lumalago nang ilang linggo at kamakailan kahit na ang Tesla incorporated ay kinuwestiyon ang kanyang pagtuon sa platform ng social media at kung ito ay nakakagambala sa kanya.

Inamin ni Musk na marami siyang nakalatag na plano at sinabing maghahanap na din siya ng mamumuno sa naturang application.