-- Advertisements --
image 8

Dismayado umano ang ilang grupo na mga election watchdogs matapos na pagtibayin na ng Senado at Kamara ang panukalang batas na magpapaliban sa barangay at SK elections sa Disyembre.

Ang naturang panukala ay pirma na lamang ng Pangulong Bongbong Marcos Jr ang kailangan.

Sa kabila nito patuloy pa rin ang panawagan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na sana hindi na lang ipinagpaliban ang eleksiyon.

Inamin ni NAMFREL secretary-general Eric Alvia na labis ang kanilang pagkadismaya sa mga pagsusulong na ipagpaliban ang barangay at SK polls dahil sa hindi ito naayon sa demokrasya at pinagkaitan daw ang publiko sa karapatan nilang pagboto.

Ayon naman sa grupong LENTE, sana raw ay itinuloy na lamang ang halalan dahil tatlong beses na itong ipinagpaliban mula taong 2016, kaya naman ilang sa mga opisyal ay nasa limang taon na ang tagal ng panunungkulan.

Binigyang diin pa ng naturang election watchdog na ang postponement ng barangay at SK polls ay hindi makakatulong na makatipid at sa halip na mas gagastos pa ng mas malaking pondo, na siya rin namang naunang kinatigan ng Comelec.