-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit P2,000 ang bilang ng mga naarestong lumabag sa gun ban na ipinatutupad ng PNP.

Base sa data ng PNP kabuuang 2,132 na katao na ang naaresto sa ipinatutupad na gun ban.

Sa isang statement, sinabi ng PNP na 2,071 sa mga nahuli ay mga sibilyan, 38 na security guards at 14 na police officers habang siyam naman ang military personnel.

Nasa 2,013 police operations na rin daw ang isinagawa ng mga otiridad at 1,643 na baril ang nasabat kasama na ang 9,300 na bala at 753 na deadly weapons.

Karamihan pa rin sa mga nahuling lumabag ay mula sa National Capital Region (NCR) na mayroong 751 na sinundan ng Central Visayas na mayroong 232, Calabarzon, 219, Central Luzon, 163 at Western Visayas, 121.

Base sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10728, ang pagbitbit at pagbiyahe ng mga baril at deadly weapons ay ipinagbabawal tuwing election period.

Nagsimula ito noong Enero 9 at magtatapos sa Hunyo 8.

Exempted naman dito ang mga law enforcers pero dapat silang nakasuot ng agency-prescribed uniform habang sila ay naka-duty.

Ang mga lalabag sa election gun ban ay posibleng makulong nang hanggang anim na taon.