-- Advertisements --

Personal na iprinisinta ni House Speaker Martin Romualdez kay ace pole vaulter Ernest John “EJ” Uy Obiena ang kopya ng House Resolution na pinagtibay ng House of Representatives bilang pagkilala sa ibinigay nitong karangalan sa Pilipinas.

Si Obiena ay nag-courtesy call kay speaker sa kaniyang opisina kanina sa Kamara at dito na isinagawa ang simple handover ng House Resolution No. 10.

Nasa bansa si Obiena para sa maikling bakasyon at anumang ay babalik na rin ng Europa upang ipagpatuloy ang kanyang training camp.