-- Advertisements --

Nagkasya sa pang-apat na puwesto ang world’s No. 3 pole vaulter na EJ Obiena sa katatapos lamang na Gyulai Istvan Memorial 2022 na ginanap sa Szekesfahervar, Hungary.

Ang 26-anyos na dating Pinoy Olympian ay nagrehistro sa 5.45 meters.

Mas mababa ito sa 5.73-meter vault na katumbas ng bronze medal na kanyang naabot nitong nakalipas na araw sa ginanap namang kompetisyon sa Silesia Diamond League sa Poland.

Ang top-ranked at world record holder na si Armand Duplantis ang nakasungkit ng gold medal sa 5.80 meters na kung tutuusin ay malayo sa kanyang personal best.