-- Advertisements --
Walang balak pa rin si EJ Obiena na huminto na sa pag-abot ng kaniyang mga record.
Ito ay kahit na nakakuha siya ng bronze medal sa World Atlethics Championships.
Sinabi nito na marami pa rin itong mga nais na gawin sa sports.
Naniniwala ito na darating ang panahon at makakakuha rin ito ng gold medal sa World Atlethics.
Susunod na torneo na kaniyang lalahukan ay sa Diamond League sa Chorzow, Poland sa darating na Agosto 6 kung saan makakaharap nito ang mga magagaling na pole vaulters sa mundo.