-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Filipino pole vaulter at Olympian EJ Obiena na nalinisan na niya ang kaniyang pangalan sa anomalya.

Ito ay matapos na mabigyan siya ng clerance mula sa Philippine Sports Commission (PSC) kabilang ang Credit Notice mula sa Commission on Audit (COA).

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang nasabing sulat mula sa COA.

Nakasaad aniya sa sulat na ang mga liquidation sa kaniyang financial assistance ay ‘in-order’ at walang anumang problema.

Wala ding nakasaad sa sulat ng Notice of Suspension o Notice of Disallowance.

Dahil aniya dito ay matututukan na nito ang ensayo para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa susunod na buwan.

Si Obiena ay nagkamit ng gold medal sa SEA Games at pang-anim ang world rankings nito.