-- Advertisements --

Muling nahalal bilang pangulo ng Egypt si Abdel Fattah al-Sisi.

Sa ginanap na halalan ay nakakuha ito ng 89.6% na boto kung saan wala itong anumang seryosong challenger.

Ayon sa National Election Authority na kaya napilitang bumuto ang mga mamamayan ay dahil sa pagsabog ng kaguluhan sa Gaza.

Ito na ang pangatlong termino ni Sisi kung saan una itong nahalal noong 2014 at muling nahalal noong 2018 kung saan parehas na nakakuha ito ng 97% na boto.