Pinasususpindi muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rehabilitasyon ng EDSA.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng family fare 1+3 promo sa MRT at LRT.
Ayon kay Pangulong Marcos, gagamit na lamang ng modernong teknolohiya para sa anim na buwang construction.
Giit nito kaniya din masusing pinag-aralan ang magiging epekto ng rehabilitasyon sa ekonomiya at sitwasyon ng mga mananakay na bumibiyahe para sa kanilang trabaho.
Inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Metro Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga concerned agencies na pag-aralan ang nasabing hakbang at bumuo ng mga konkretong plano para epektibong maipatupad ang mabilis na rehabilitasyon ng EDSA.
Layon nito na mabawasan ang anumang mga inconvinience na mararanasan ng ating mga kababayan.
Ayaw ng Pangulo na madagdagan pa ang pasakit ng ating mga kababayan, dahilan nais nito ang isang whole-of-government approach sa pagpapatupad ng epektibo at modernong paraan sa pag sasaayos sa EDSA.
Binigyang-diin ni Transportation Secretary Vince Dizon na malinaw ang kautusan ng Pangulo na pag-aralan maigi ang planong pag-rebuild ng EDSA dahil hindi katanggap-tanggap ang dalawang taong kalbaryo at dusa sa trapik, sayang na oras at oportunidad para sa mga komyuter at motorista lalo na’t paparating na pasukan.
Ayon sa kalihim, sisiguruhin ng DOTr na makikipagtulungan ang ahensiya sa mga partner agencies upang matupad ang kautusan ng Pangulo na pagaanin at pabilisin ang biyahe ng mga komyuter at motorista.