-- Advertisements --

Magpapatupad ng 24 hours na operations ang EDSA Bus Carousel pagdating ng Disyembre 15-31.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na susulitiin nila ang Libreng Sakay EDSA Bus Carousel.

Maniningil na kasi sila ng pamasahe sa susunod na taon dahil sa walang nailaan na budget ang gobyerno para dito.

Mula sa dating operation ng alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi ay ginawa na nila itong 24 oras sa huling dalawang linggo ng Disyembre.

Inaasahan kasi nila marami ang lalabas at mamamasyal sa mga ganun na panahon.

Nanawagan sila sa mga mamamayan na sulitin ito habang ito ay libre pa.