-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Iaapela ni Legazpi City Mayor Noel Rosal sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine sa lungsod hanggang Mayo 15.

Ito ay matapos na maitala ang dalawang panibagong COVID-19 cases sa lungsod. 

Natukoy na isang 28-anyos na babaeng health worker ang ika-36 na COVID-19 patient sa Bicol at ika-37 naman ang 54-anyos na lalaking front liner.

Ayon kay Rosal, hindi pa handa ang lungsod na ibaba sa general community quarantine sa darating na Mayo 1.

Samantala, umapela rin sa publiko si Rosal na ipanalangin ang agarang pag-recover ng mga nagpositibo sa sakit.