-- Advertisements --
image 151

Nagbigay ng tips ang environmental at zero waste advocacy group na EcoWaste Coalition para sa pagtitipid ng tubig sa gitna ng nakaambang kakulangan nito dahil sa El Nino phenomenon.

Aniya, upang maiwasan ang kakulangan at pagkaaksaya ng tubig narito ang ilan sa mga tips ng grupo para sa mga water consumer.

Dapat aniya na kumpunihin ang lahat ng tumatagas na tubo. tangke at faucets, ipunin ang tubig-ulan ng maayos upang hindi pamugaran ng dengue mosquitoes, huwag hayaang nakabukas ang faucet habang nagsisipilyo, naghuhugas ng mukha o nagaahit.

Kung maaari iklian ang pagligo at iwasan ang pagpapalit ng towels kada araw, maglaba ng minsanan upang mabawasan din ang pagkonsumo ng tubig, kuryente at detergent, gumamit ng grey water mula sa pinagliguan para magamit na pambuhos sa toilet, panlinis sa garahe at pagdilig sa mga halaman.

Maaari ding maglagay ng brick o bote na mayroong lamang maliliit na bato o buhangin sa toilet tank para mabawasan ang tubig na ginagamit tuwing magflush.

Maaari ding ipunin ang tubig ma tumutulo mula sa air conditioners para panghugas ng mops at basahan, pag-flush ng toilet o pagdilig ng mga halaman.

Huwag ding hayaan ang faucet na nakabukas habang naghuhugas ng bigas, prutas at mga gulay.

Pwede ding alternatibo na i-steam ang mga gulay sa halip na pakuluin para mabawasan ang paggmit ng tubig.

Maaari ding i-thaw ang frozen meat sa refrigerator ng magdamag sa halip na sa running water at gumamit ng sakto lamang na size ng kawali at palayok sa pagluluto at bawasan ang paggmit ng mga utensils at dishes at iba pa upang maiwasan ang pagaksaya ng tubig.