TUGUEGARAO CITY – Nagbabala ang Ecowaste Coalition kaugnay sa mga medals at trophies na may nakalalasong kemikal habang papalapit ang graduation.

Sinabi ni Ailyn Lucero, national coordinator ng Ecowaste na may mga nasuri silang mga ibinebentang medals at trophies na may lead na mapanganib sa kalusugan.

Dahil dito, pinapayuhan ng grupo ang mga eskwelahan na bumili ng mga medals at mga trophies na hindi makulay dahil ligtas ang mga ito sa toxic chemicals.

Kaugnay nito, sinabi ni Lucero na balak nilang sulatan ang Department of Education upang ipabatid sa kanila ang resulta ng ginawang pagsusuri sa mga medals at trophies na may toxic chemicals.